Alden Richards on working with Kathryn Bernardo again: ‘Nagbago na siya for the better. Mas mature. maging matapang ka’

Alden Richards on working with Kathryn Bernardo: ‘Mas naging free siya’

Puno ng paghanga ang mga pahayag ni Alden Richards para sa kanyang co-star na si Kathryn Bernardo, matapos muling magsama sa pelikulang Hello, Love, Again. Sa isang panayam sa L’Officiel Magazine, inilahad ni Alden kung paano sila parehong nagbago mula noong unang pagsasama nila sa pelikulang Hello, Love, Goodbye noong 2019.

Ayon kay Alden, kapansin-pansin ang malaking pagbabago kay Kathryn, na aniya’y mas naging mature at adventurous. “She has changed for the better. More mature. More adventurous. Mas nakita ko yung parang mas naging free lang siya. She’s like a free spirit,” sabi ng aktor. Napansin din niya na mas relaxed at mas bukas si Kathryn, bagay na nagdulot ng mas maganda nilang samahan sa harap at likod ng kamera.

LOOK: Kathryn Bernardo and Alden Richards Turn Emotional During Premiere  Night of “Hello, Love, Again” - When In Manila

Idinagdag pa ni Alden na ang kanilang muling pagtatambal ay naging mas madali at mas masaya. “I’m just so happy I got the chance to work with her again because right now, mas naging madali for both of us when it came to making this film,” ani Asia’s Multimedia Star. Kitang-kita umano ang growth ni Kathryn, na nagbigay-daan sa kanilang mas natural na pagganap at chemistry onscreen.

Samantala, patuloy na nagpapasalamat sina Alden at Kathryn sa tagumpay ng kanilang pelikula. Umabot na sa mahigit P1.4 bilyon ang kinita ng Hello, Love, Again sa global box office, na siyang naging kauna-unahang Filipino film na nakapagtala ng mahigit P1 bilyon na kita sa lokal na sinehan. Bukod pa rito, kumita rin ito ng mahigit $7 milyon mula sa international screenings.

Kathryn Bernardo pushes boundaries in mature role with Alden Richards in  'Hello, Love, Again'

Nitong huli, nagtungo sina Alden at Kathryn sa Dubai para i-promote ang pelikula, na ngayon ay itinuturing nang pinakamataas na grossing Filipino film sa kasaysayan. “No words can say how grateful we are,” sabi ng dalawa patungkol sa tagumpay ng kanilang pelikula.

Patuloy na napapanood ang Hello, Love, Again sa mga piling sinehan sa buong mundo, at marami ang umaasang magpapatuloy ang magandang tambalan nina Alden at Kathryn, hindi lamang sa pelikula kundi pati na rin sa kanilang personal na buhay.

Related Posts

Our Privacy policy

https://entertainmentph.com - © 2025 News