Mainit na usap-usapan ngayon sa social media ang aktres na si Sunshine Cruz at ang kilalang negosyante na si Atong Ang matapos ang viral na video kung saan makikita ang dalawa na naghalikan sa isang cockpit arena.
Hindi lamang isang beses nangyari ito dahil sa isa pang video, suot naman nila ang ibang kasuotan ngunit sa parehong lugar, ay muli silang naghalikan.
Dahil dito, lalong lumakas ang mga espekulasyon tungkol sa umano’y relasyon ng dalawa, na una nang napansin noong unang bahagi ng taon nang makita silang magkasama sa isang event. Gayunpaman, parehong nananatiling tikom ang bibig nina Cruz at Ang patungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Ang mga tanong ng publiko ay lalong uminit matapos ang naging pahayag ni Sunshine tungkol sa kanyang dating relasyon kay Macky Mathay. Matatandaang naghiwalay sila noong Setyembre 2022 matapos ang anim na taon. Ayon kay Sunshine, naramdaman niyang hindi na umuusad ang kanilang relasyon.
“Nakita ko lang na hindi na nagle-level up ‘yung relationship. Hindi nagmu-move,” ani Sunshine sa isang panayam. “Kasi magsi-six years na pero parang diretso lang kami.”
Samantala, si Atong Ang naman ay kilalang negosyante na minsan nang naiugnay sa socialite na si Gretchen Barretto. Nakita sila noon na magkasama sa ilang mga events, bagama’t hindi rin nagkaroon ng kumpirmasyon o pagtanggi mula sa kanilang panig tungkol sa tunay na ugnayan nila.
Ang pagkaka-link ni Ang kay Barretto ay nagdulot din ng intriga dahil sa presensya ni Tonyboy Cojuangco, na matagal nang partner ni Barretto at ama ng kanilang anak na si Dominique.
Sa kabila ng kontrobersya, tila mas relaxed ang approach nina Sunshine at Atong sa mga lumalabas na balita tungkol sa kanila. Ang kanilang viral na public display of affection ay tila nagbibigay ng pahiwatig, ngunit patuloy pa ring inaabangan ng kanilang fans ang anumang pahayag mula sa dalawa.
Hanggang sa ngayon, ang tanong ng marami: Magkakaroon ba ng opisyal na kumpirmasyon o mananatili na lamang ito sa espekulasyon? Isa lang ang tiyak, ang Sunshine-Atong tandem ay patuloy na nagbibigay-init sa social media at nagiging usap-usapan sa bawat sulok ng showbiz.