Maris Racal trending sa ‘Smoke then f*ck, I’ll touch myself na lang’ – LA

Maris Racal trending sa ‘Smoke then f*ck, I’ll touch myself na lang’ – LA

Maris Racal trending sa ‘Smoke then f*ck, I’ll touch myself na lang’

Maris Racal trending sa 'Smoke then f*ck, I'll touch myself na lang'

NANATILING tahimik ang rumored celebrity couple na sina Anthony Jennings at Maris Racal sa kontrobersyang kinasasangkutan nila ngayon.

Trending at viral na ang kanilang mga pangalan sa social media matapos ilantad ng ex-girlfriend ni Jam Villanueva ang umano’y ginawa nilang pagtataksil at panloloko.

Pak na pak ngayon sa mga netizens ang linyahang, “Smoke then f*ck…I’ll touch myself na lang” na dialogue raw ni Maris kay Anthony base sa inilabas na screenshot ni Jam mula sa palitan ng mensahe ng dalawang Kapamilya stars.

Bukod pa diyan, bukambibig na rin ng netizens ang mga salitang “that was hot”, “U miss my body?”, “Ugh yung amoy ng sweater mo”, “You look so tired i wanna baby you” at “I want baby kisses” na makikita rin sa screenshot ng alleged convo nina Maris at Anthony.

Sirang-sira ngayon ang magka-loveteam dahil sa mga pasabog ni Jam. Kaliwa’t kanan ang pambabatikos sa kanila ng mga social media users at talaga namang puro masasakit na salita ang ibinanato sa kanila ngayon.

Narito ang Ilan sa mga comments ng ating mga ka-BANDERA.

“Pag may jowa na kasi wag nang papatol sa iba, naalala ko na naman tong malanding ma’am. tapos pa victim Kay giagawan daw sya. sana makahanap na si Rico Ng faithful woman same kay jam faithful guy.”

“Ung babae talaga dito ang sobrang maapektuhan dito.  Patay kang bata ka. sabi na kasing magdelete e.”

“Padeny deny pa si Mariz. Kaya pala sila naghiwalay ni Rico.”

Rico Blanco hinamong magsalita sa 'pagtataksil' ni Maris Racal


“Maganda din si jam, at mukha nm desente, kalakaran n ng  artista yan( d nm lahat) ang mag palipat lipat, at mag papalit palit  ng bf or gf,  maging honest nm sana.”

Nauna rito, sinabi ni Jam na bago sila tuluyang naghiwalay ni Anthony, siniguro pa nito sa kanya na ititigil na nila ni Maris kung anuman ang namamagitan sa kanila.”

“He told me that they were going to stop things na between them as long as I made my account private and stayed quiet. But even then, they couldn’t resist each other. He even assured me once again na magiging okay din ang lahat,” aniya.

Pero nagpatuloy pa rin daw ang dalawa sa kanilang pinaggagawa kapag magkasama sa trabaho at iba pang events.  Patunay dito ang mga litrato na inilabas niya kung saan makikitang naghahalikan sina Maris at Antony.

“These were the photos that shattered my heart into pieces. This is the other side of the story — the photos that she posted in her story, where people started attacking me, saying that the photo was just ‘fan service’ and that I was overreacting. I even asked Anthony about it, and he brushed it off, saying it was nothing,” aniya pa.

Sa isang bahagi ng post ni Jam nagpasalamat pa rin siya kay Anthony, “Thank you for being there for me through the hardest times in life. You’ve brought a life into mine that I never thought I could have, and for that, I’ll always be grateful.”

“Happiness was all I ever wanted for you, in our years of living together. I never imagined I’d have to let you go, but I did—so you could grow and find happiness on your own,” aniya pa.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag nina Anthony at Maris hinggil sa isyung ito

Related Posts

Our Privacy policy

https://entertainmentph.com - © 2024 News